Mga Pahina

Linggo, Hulyo 12, 2020

Passion over recognition

“Kung hindi mo lang rin naman gusto ang ginagawa mo, wala ring saysay 'yan kapag nakarating ka na sa dulo.”

Paano ba? Hindi ko alam kung anong pwedeng topic ang unahin kong i-blog. Ewan ko nga bakit ko ba naisipan itong gawin. Nag-mumuni muni lang naman ako at iniisip kung nakapagtoothbrush na ba ako, tapos bigla kong na-tripang gawin ito.

Ultimo 'yung website address ay hindi ko alam kung saan nanggaling. Charot. Syempre may ibig sabihin 'yan. You will know what it means, soon. Ginaya ko lang 'yan sa Twitter Bio ni Mika Salamanca. Sa huli, narealize ko na hindi pala ako nakapagtoothbrush.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa ngipin ko dahil nagawa ko ito, o sisisihin ko dahil nagkaroon ako ng isa pang responsibilidad.

At eto na nga, walang word count dito sa blogging website na 'to kaya hindi ko alam kung gaano na kahaba ito. Pero pakiramdam ko mahaba na talaga.

Kaya minsan, naiisip kong napakawirdo ko kapag Tagalog ang lenggwahe na ginagamit ko kapag nagsusulat. Sobrang exaggerated at emphasized (pasensya na, hindi ko maalala 'yung term sa Tagalog. Basta parang pinabangong term ng O.A.) Napakaprominente, parang cheekbones ni Maleficent.

Dahil sa pakiramdam kong 'yon, bibihira nalang ako magsulat ng kwento, tula, artikulo at kung ano pang ibang ka-hanashan sa buhay na Tagalog ang gamit kong lenggwahe. Kaya naman sa isa kong blog at sa stories ko sa wattpad ay spokening dollars ako. Libre bisitahin, walang bayad. Click mo na 'yung link nasa description box below. 


Kunwari nalang vlogger tayo. Click mo na. 

Oh, 'di ba. Nakasegway ako. Tamang promote lang.

Anyways, masyado pa akong mangmang para sa mga politikal na issue. Kaya ito muna tayo ngayon. Konektado sa quotation sa taas. I-type ko nalang ulit para 'di ka na pabalik-balik ng scroll.

"Kung hindi mo lang rin naman gusto ang ginagawa mo, wala ring saysay 'yan kapag nakarating ka na sa dulo."

Hindi ko po talaga alam kung may ganyan bang quote. Sabi ko lang 'yan kaya huwag kang maniwala. 

Pero seryoso, may narinig... o nabasa akong ganyan noon na 'yan ang pinapahiwatig. Tinatamad lang akong i-search 'yung exact words. Gusto mo ikaw nalang. Mahina internet namin, e. Salamat.

Biro lang 'yung kanina, maniwala ka sa kasabihang 'yan.

Kung ikaw man ay kabilang sa mga taong nag-aalinlangan pa sa daang tinatahak mo, tama ka dyan, mag-alinlangan ka talaga.

Dalawa lang 'yan.

Source: Pinterest 

It's either you're forced and pressured, or you're just after the money, the reward or the recognition it may bring.

Halimbawa, sa kursong kukunin mo. You belong to the family of lawyers, and eventually, you have to be a lawyer as well. Gusto mong maging doktor, ngunit kailangan mong maging isang abogado. You have no other option but to follow... or so you thought.

Syempre, 'wag mong hayaan na kontrolin ka ng magulang mo. Sabi nga ng bida sa aking storya sa Wattpad:

"Follow your parents; they know what they're doing. However, never let them dictate and command you for every little thing you will do. They must only shape you up, but you must grow in your own. 

Make your own dreams and fulfill them."

O, 'di ba. Segway uli. But keep that in mind and let that sink in. Fight for your own will, fight for your dreams. Magkaroon ka ng paninindigan at patunayan mo na kaya mo basta't gusto mo.

What about if you're under the "after the money or recognition" factor?

Kaya mo gustong maging ganito dahil mataas ang sahod. Kaya mo gustong maging ganyan dahil malaki ang sweldo. Kaya mo gusto gawin ito dahil sisikat ka.

Ang tanong, gusto mo ba?

You only want it because of the money. Perhaps, we can call it an "obligation". A chore or drudgery. The way you describe the act of doing it is most often associated with why you don't want to do it. Do something you're passionate about over money. If you're just in it for the money, then it's not going to satisfy you.

On the other hand, there are people who just learned to love what they're doing. Those who learned to enjoy their chosen path. That may also happen to you, or not.

Bukod sa mga obvious factors, ito pa ang ilan sa mga benepisyo na maaari mong matamo kung isasantabi mo ang kaisipan at ideya ng pera at piliin ang gusto mo.

Una, hahaba ang buhay mo. 
Tama naman hindi ba? Hindi ka masyadong masi-stress dahil nageenjoy ka naman sa ginagawa mo. Pero kung trip mo talaga 'yan, edi sige. Kain ka nalang ng pansit para humaba buhay mo.

Pangalawa, magiging masaya ka habang ginagawa mo ang bagay na 'yan.
Kung naka-inline ang passion mo sa bagay na ginagawa mo, hindi mo na maiisip ang mga oras na nacoconsume mo at bawat ginagawa mo ay nakikita mo in a positive way dahil naeenjoy mo naman ang ginagawa mo. Everything will lead to a great sense of happiness and satisfaction.

Pangatlo, pwede kang maging inspirasyon sa iba.
Enthusiasm is contagious, after all. Parang kuto lang 'yan, nakakahawa. Kaya ang kasiyahan at ang gana mo ay maaari mo pang mai-share sa iba. You'll also serve as a role model to your friends and colleagues, which will make them realize that they should follow their dreams, too.

Panghuli, hindi ka magsisisi.
If you don’t let your dream die, you’ll never have cause to regret that you did. And if it’s already too late for you to follow that dream you once had, you owe it to yourself to create a new dream that you can achieve now. 

If you're still undecided with what you're going through, check this quotation:

Live the life you want to live, not the one you’ve been told you should.

Source: Pinterest



1 komento:

Preference matters

 Make someone happy. They say, "Simple things make big difference," it's true. We might not notice it, and we might not direct...