A/N: This is my activity in our Filipino subject.
Marahuyo sa Takipsilim
Ako'y napapapikit, hindi mawari sa isip,
Ano ang kahulugan, salitang napapakinggan?
Hindi ko lubos maisip, hanggang sa panaginip,
Pambihirang salita pala'y siyang nararamdaman
Pag-ibig, talaga nga namang makapangyarihan,
Mga bago at kakaiba iyong madarama.
Paro-paro sa tiyan, ito na nga ba ang dahilan?
O Panginoon, bigyang pansin ang nababahala,
Pagsapit ng bukang liwayway, tingin ay sa langit.
Pagpatak ng takipsilim, mangata'y hahagupit.
Liwanag ng alapaap, bubulong ng taimtim.
Pilit na nilalabanan ang sitwasyong galimgim.
Ako'y aalpas na sa higpit ng 'yong mga bisig,
Dati kong paraluman ay naglalaho na'ng tindig.
Maging ang dagitab pilit dinadama sa dilim,
Bibitaw na sa'king marahuyo sa takipsilim.
Haribon

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento