Because this blog is dedicated to my parents.
Alam niyo ba, napakasaya ko ngayong araw dahil may bago na akong laptop. Nahinto kasi ako sa pagsusulat ng mga istorya sa Wattpad simula noong nag-hang 'yong netbook ko. Talagang pinatapos niya lang muna ako ng isang istorya tapos ayun, farewell my friend!
Kaya ko rin napagdesisyonang gumawa ng mga blog dahil buryong buryo na ako, pero tamad naman akong ipagpatuloy ang pagsusulat ng istorya gamit ang andrord phone. Kasi halimbawa nagsusulat ako ng istorya gamit ang cellphone ko, naku, maya-maya mapapagtanto ko nalang na nag-b-browse nalang ako sa internet. #WhereIsTheLie?
Speaking of my blogs, here are the links of them:
At itong Munting Agila.
Baka kayo rin, buryo na sa mga bahay ninyo, subukan niyong bisitahin ang alinman sa mga 'yan.
This blog by the way doesn't have any relevance unlike my past blogs, this is for future purposes of mine.
Back to the topic, sobrang na-excite talaga ako dito. Kaya heto ngayon, ginagamit ko na.
You might be wondering what's behind the blog title.
One word.
Sa wikang Tagalog, isang salita.
A mere utterance of mine is enough to convince my parents with my wishes.
Isang sabi ko lang sa kanila na, "Mama, pwede ba ako magpabili ng bagong ganito?", "Papa, gusto ko po ng ganyan." At gagawa sila ng paraan para matupad iyon. Kung hindi man, hindi lang agad agad.
Hindi ito para i-show off lang na swerte ako dahil ganoon ang mga magulang ko, pero oo nga, swerte nga ako. Swerte kami ng kapatid ko.
Kulang ang mga salitang "Salamat mama at papa.", "I love you mama at papa." at "Mag-aaral pa po kami ng mabuti."
Ultimo ang mga parangal na nakukuha namin sa paaralan, ang mga medalya, ang mga ribbon at mga sertipiko ay walang wala sa kalingkingan ng pagsasakripisyo ng mga magulang namin para maibigay ang mga pangangailangan namin.
Kaya Ma, Pa...
Sa ngayon ay kulang pa ang mga sukli at kapalit ng mga naibibigay ninyo sa amin, bukod pa doon ay 'yung hirap ng pag-aalaga at pagpapalaki sa amin.
Sa ngayon.
Dahil ibabalik namin lahat ng ito, pagdating ng panahon.
Hindi ko man ito sa inyo masabi lahat verbally, pero Mama, Papa, lahat ng pagsasakripisyo ninyo lumaki lang kami ng maayos, hindi 'yun masasayang.
Tutuparin namin ang mga pangarap namin. Magkakaroon kayo ng anak na tatawagin bilang "Atty. Trinidad" at kasalukuyan pa lang nabubuo ang mga kagustuhan sa buhay ng isa.
One word. Isang salita.
Promise.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento